Kami ay nagkaroon ng Batas Militar sa eskwela. Ang mga bantay ay estudyante sa Grade 6. Kami ay bawal magsalita, umupo at lumabas ng classroom. Kapag hindi kami sumunod kami ay huhulihin at pinapapunta sa kulungan. Marami silang nahuli. Apat na araw kami nagkaroon ng Batas Militar. Mabuti nalang hindi totoo ang Batas Militar sa eskwela. Mahirap makulong at hindi malaya.
May totoong Batas Militar noong Septyembre 21, 1972 na idineklara ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Bakit may Batas Militar? Kasi magulo na noon. Maraming mga tao ang nagrally dahil mahirap ang buhay. Gusto ng Pangulong Marcos na hindi na maging magulo. Gusto niya din na siya pa rin ang pangulo ng ating bansa. Napagod na ang mga tao. Ayaw na nila sa kanya. Kaya pinahuli sila at nilagay sa kulungan. Hindi na sila masaya at malaya. Marami ding nasaktan at namatay. Hindi maganda ang hindi malaya.